Ang sa akin; bawat araw ay bagong mundo, bagong kaisipang magtatanong ng matiwasay at magkukuro ng buong husay, bagong kaloobang titibok ng busilak at malinis, at bagong buhay ng pagkakataon... kabiguan man ang kalakip o sorpresang kaaya-aya ang makakadaupan mo.
Araw-araw ay pareho ang ginagawa ko... papasok, mag-aaral, kakain, uuwi, kakain, magaaral, matutulog...
Pero araw-araw ay iba-iba ang karanasang tinatambangan ako... ang nalalanghap na hangin, ang daang nililikuan, ang mga salitang mamumutawi sa aking bibig, ang mga emosyong maiimbak-sasabog... iba-iba ang timbre, indayog na tumataas at bumababa.
---------
Huwag tayong magpapadaig sa kaisipang tila yelong nanigas - malamig, walang kaganapan, natutunaw... hanggang sa maging tubig na unti-unting matutuyot at mawawala...
Huwag natin ipagkanulo ang ating sariling kalul'wa sa demonyong maalab at mapanlinlang, huwag tayo makuntento sa tulirong sarili at mamuhay sa iisang pagkatao, iisang damdamin, nakakulong sa dimensyon at oras ng nakaraan...
Kahit ako man ay maraming pagsubok na patuloy sa pagbugbog sa damdamin ko, ngunit hindi ko ito hinahayaang gawin akong baldado o ang mas kalunoslunos... pagkaparalisa. Ayoko magsilbing tanikala sa aking mga paa't leeg ang mga nakalulungkot na pangyayari sa akin at sa aking buhay...
Ang sabi ko nga kay Joana ay: Hindi natatapos ang lahat sa isa, dal'wa o maraming kasawian... ikaw ay patuloy na mangarap ng kalawakan... ikaw ay umabot sa mga bituin - sa tamang bituin... sapagka't hindi man ngayon ang araw mo... bukas, makalawa at balang-araw ay pagkakataon na mismo ang kakatok at luluhod sa harapan mo... (maging matapang tayo, maging masaya... sapagka't Siyang Makapangyarihan ay hindi tayo hahayaang malugmok)
Nariyan lang ang pamilya mo, mga kaibigan mo, ang mga ibon na malaya, ang mga dahong natutuyo't nalalanta at kalauna'y napapalitan at nasisibulan ng bago... Tumingin ka lang sa paligid, damahin mo ang buhay sa bawat isa, matutong lumigaya... dahil ang meron ako na wala ka ay BAGONG PAG-ASA...
- leksyong sa akin nagmula... at ang nakagugulat ay ako rin pala ay matututo at mapapa-isip =]